Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva-Edroza Matute
![]() |
Nagpapahuli
siyang umuwi upang tumulong mag-linis at umuwi ay lilingon muna siya sa guro at sasabihing, “Good Bye
Teacher”. Ang batang ito ay ang pinakamasipag sa klase dahil ito ay may
kusang-loob sa paglilinis. Sa gawi niyang iyon ay lihim niya itong
pinagmamasdan. Pinagtakhan niya ang
pagiging mapag-isa, pagiging tahimik at mahiyain ng batang yaon. Nang
mapagdugtung-dugtong niya ang mga katotohanan tungkol sa batang ito ay napagtanto niya :
batang ulila ito na galing lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod bilang
isang utusan. Gusto ng gurong maranasan ng batang iyon ang maging masaya, makitang makipagtakbuhan sa
mga bata at umakyat sa pook na ipinagbabawal.
May
namuong isang tahimik na ugnayan sa guro at sa bata. Nahuhuli na niya itong
nakikipagtakbuhan, pagpapadulas sa mga pagitan ng mga hanay ng upuan at ang
pag-akyat sa mga pook na ipinagbabawal. At ang kanyang, “Good Bye Teacher” ay
tumataginting na. Lalo siyang naging malapit sa guro ngunit isang araw, mainit
ang ulo ng guro at nagawa nito ang di inaasahan. Hindi na nito maalala kung ano
ang kanyang ginawa sa bata upang ito’y ikanliit ng bata sa upuan nito. Nakaligtaan
nito ang kalumbayan ng bata noon. Nang
hapong iyon ay nagtungo ito sa kinaroroonan ng tsinelas ng guro pagkatapos ay
ibinili ng minindal ng bata ang guro at iniligpit ang mga panlinis na bagay na
naiwan at inilagay ito sa sulok. Umalis ang bata nang hindi nagsasabi ng “Good
Bye Teacher”. Tanong ng tanong ang guro sa sarili kung ano ba ang kanyang
ginawa at poot sakanya ang batang iyon. Nagulat ang guro at bumalik ang bata
upang magsabi ng, “Good Bye Teacher” sa kanya. Isa lamang ang napagtanto ng
guro, ang kanyang estudyante ay naging kanyang guro marahil dahil sa aral na
kanyang nakuha, di sa labas na kaanyuan nakikita ang tunay na ugali.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento