Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva-Edroza Matute
Isang araw, inilarawan ng Guro na si Matute ang isa sa kanyang mga naging estudyante bilang ang pinakapangit
, at pinakamaliit sa klase. Kapansin-pansin din
ang nakakatawang pabilog na kanyang ilong. Mayroon rin siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya'y taga-
ibang pook.
Ngunit sa kabila nito,
siya ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat tumutulong siya sa mga
tagalinis, tinutuwid ang mga upuan at bago umalis ay lumilingon upang magsabi
ng “Goodbye,teacher!” At di nagtagal, nalaman ng guro na siya ay munting ulilang
galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod upang mamasukan kung kaya’t
napagtanto ng guro na maliban sa itsura, ang mga iyon ay dahilan din ng kanyang
madalas na pag-iisa. Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag na
niya ito ng madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa
kanya. Doon ay nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan ngunit isang araw ay
napagbaligan ang estudyante ng kanyang init ng ulo at dama niya ang labis na
pagkalungkot ng bata.
Subalit kahit ganoon ang nangyari, hindi pa rin nakalimot
ang estudyante sa mga ginagawa niya para sa guro sa araw-araw. At dahil sa
ginawang ito ng bata, nasabi ng guro sa kanyang sarili na ang kanyang mabuting
estudyante ay kanyang nagging guro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento