Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva-Edroza Matute
Isang araw, inilarawan ni Genoveva ang kanyang estudyante noon. Ang batang estudyante noon. Ang batang estudyante ang pinakapangit at pinakamaliit sa klase nila. Palaging napapansin ang kanyang pangong ilong. At palagi niyang kakatuwang punto na siya'y galing sa ibang pook. Siya man ang laging naasar, ang batang estudyante ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon upang tumulong maglinis at pulitin ang mga basurang nakakalat. Kapag siya'y magpapaalam na, lagi niyang kataga ang "Goodbye teacher". Nalaman ng guro na siya'y isang ulila na galing sa lalawigan at lumuwas sa lungsod upang mamasukan bilang katulong. Naramdaman ng guro na kailangan rin ng batang estudyante na sumaya dahil ito'y karapatan ng bawat isa sa atin. Napagtanto ng guro na siya'y pasiyahin at paligayahin. Di nagtagal nagkaroon ng tahimik na ugnayan ang guro at bata. Nahuhuli na niya itong naglalaro at nakikipaghabulan. Isang araw, uminit ang ulo ng guro. At ito'y ikinanliit sa upuan ng bata. Buong araw hindi naglaro ang munting bata. Subalit
kahit ganoon ang nangyari, hindi pa rin nakalimot ang estudyante sa mga
ginagawa niya para sa guro sa araw-araw. At dahil sa ginawang ito ng bata,
nasabi ng guro sa kanyang sarili na ang kanyang mabuting estudyante ay kanyang
naging guro.